前 200 行。
Naulol na talaga ’yon!
Tangina! Punyeta talaga!
Hindi mo matiis, ano?
Tira ka nang tira para manarantado...
Tarantaduhin siya! Congrats.
Punyeta!
Matagal man ang inabot,
naiintindihan ko na ngayon kung bakit nasira ang lahat.
Dito humahantong.
Sa lugar na ’to.
Sa mga taong gumawa ng hindi nila dapat ginawa.
Ang classy mo talaga, Zoe.
Pakshet.
Hi, Jack.
Jack?
Jack?
May problema ba?
Anna!
- Bakit? - Pambihira ka.
Nag-e-enjoy ka pa ring saktan ako, ha?
- Tuwang-tuwa ka, ’no? - Wag kang madrama.
Tumalikod lang ako, sasaksakin mo na ’ko?
Saksakin ka? Ang OA mo, para sa nag-iimbestiga no’ng kaso.
“Magtiwala ka sa ’kin, Jack. Pangako, Jack.”
- Wala akong sinabing magtiwala ka. - Kailangan pa ba? Pinahiwatig na, e!
Medyo magtatagal ako dito sa ’tin kaya subukan nating magpaka-civil, ha?
Magpaka-civil, a? Nandito ba siya?
- Sino? -’Yong boyfriend mo?
’Yong cameraman ko.
Kung anuman siya, cameraman.
Hanep siya magtrabaho kanina, a.
Malay ko kung sa’n siya nakatutok pero siguradong di balita ’yon.
Nakakatawa ba? Nakakatawa ’yon?
Sorry, Jack, hindi ako naniniwalang wala kang kinakarat.
E, ano ba dapat ang ginawa ko? Ano ba’ng gusto mo?
Mag-aabang lang ako? Hinintay ba dapat kita?
Oo, ’yon mismo ang dapat na ginawa mo!
E, kung ginawa ko man ’yon, may magbabago ba?
Ewan ko.
Di ba?
Siguro nga tama ka. Baka dapat na lang nating...
Subukang magpaka-civil, okay?
May trabaho ka, may trabaho ako.
Magkakanya-kanya tayo.
- Okay, sige. - Sige.
Okay.
May mga suspek ka na ba?
Grabe. Hindi mo talaga matiis, ano?
Ano? Nagtatrabaho lang ako!
Sabihin mo na lang kung suspek si Duffie.
Ewan ko, Anna...
- Grabe... - Ano?
Ano?
Hindi mo pa nainterbyu ’yong asawa niya.
Pinuntahan ko siya. Wala siya sa bahay. Makakausap din namin siya. Ano?
- Sige, balitaan mo ’ko! - Sige, balitaan ka.
May namatay dito, sa bayang ’to, at kakilala mo siya.
May totoong humihingang tao na namatay, okay?
Wag kang eepal. Ipapaaresto kita.
- Sa anong kaso? - Pagiging kupal.
Pambihira.
- Ano ’yan? - Bracelet.
Friendship bracelet.
- Ano? - Pa’no mo nalaman?
May ganyan ang kapatid ko. Ginagawa ng mga babaeng teenager.
O? Naging teenager din ako. Hindi ako nagsuot ng ganyan.
Masasabi mo bang marami kang kaibigan no’n, Detective?
Ite-test namin ’to para sa DNA. Wala pa kayong binibigay na sample.
Sige, babaunin namin ’to.
Five seconds lang ’yan. Gawin n’yo na nang matapos na.
- Pupuntahan pa namin ’yong asawa. -’Yan din ang sabi mo kahapon.
Pambihira...
Nakikiramay kami, sir.
Mr. Duffie, may ideya ka ba kung bakit naka-park sa gubat sa gabi ang misis mo?
Siguro para magpakadyot.
Meron akong diabetes at congestive heart failure.
’Yong tayuan at tigasan ako, suntok sa buwan ’yon.
’Yong pangangaliwa ng misis mo, ayos lang ba ’yon sa ’yo?
Hindi naman gano’n.
Hindi ko ginustong magkasakit sa puso.
Pero hindi ko masisisi si Rachel.
Bata pa at nalilibugan pa siya.
Sir, may ideya ka ba kung sino...
kung sino ang posibleng kasama niya no’ng gabing ’yon?
May kasunduan kami.
Hindi sa bahay, hindi sa Dahlonega, at walang panga-pangalan.
Mapalalaki, mapababae...
Mas gusto ni Rachel kapag wala siyang pakialam sa ka-sex niya.
Kapag mas malayo ang loob, mas maganda.
Gusto niya sa kotse.
Paborito niya sa truck.
Kotse at truck, Mr. Duffie?
Kung saan makikipagkarat.
Nakakasabik ’yon para sa kanya, malaswa.
Parang nagtatago siya o nasa high school pa.
Kaya siya nasa gubat.
Sorry, sir, parang hindi mataas ang tingin mo sa misis mo.
Tama ba ’ko do’n?
May asawa ka ba, Detective Harper?
Oo. Meron, sir. Oo.
Mahal ko ang misis ko.
Pinasaya niya ’ko.
Nanlalamon ang enerhiya ni Rachel,
’yong sigla niya, nakakalango para sa ’kin.
Kung ang dating sa ’yo, mababa ang tingin ko sa kanya,
ikaw ang gano’n, hindi ako.
- Okay. - Gusto niya ba ang pera ko?
’Yong pagiging mayaman?
Kayo ba, hindi?
Mahalaga ’yon dito sa ’tin.
Mahalaga kahit saan.
Okay. Ano’ng kalakaran n’yo sa pera?
May joint account siya?
Medyo gastadora si Rachel.
Kumikita ako. Ginagastos niya.
Minsan waldas kung waldas. Malaki ang ibinibigay kong allowance.
Pero...
Team kami.
Kahit corny pakinggan.
Pasensya na.
Mr. Duffie, ayoko sanang itanong pero...
nasa’n ka no’ng gabing namatay ang misis mo?
Halos nandito lang sa bahay.
Meron naman sigurong makakakumpirma no’n.
Si Mary Ann.
Aalis si Rachel.
Ilalabas ko si Mary Ann.
Uuwi kami.
Gawain mo ’yon, sir? Naglalakad ka ng aso habang umuulan?
E, tawag ’yon ng kalikasan.
Sige. Kahit palong-palo ang bagyo?
Nasa 220 pounds ang asong ’yon. Lilinisin mo ba ang dumi niya?
Hindi, sir.
Sir, puwedeng paki-rewind do’n sa pag-alis ni Rachel?
Sige.
D’yan lang. Salamat.
May kausap siya sa phone habang paalis ng bahay.
Wala kayong location sharing ng misis n’yo?
Sa setup namin, naisip naming mas okay nang di maggano’n.
Pina-trace na namin sa carrier niya ’yong phone niya
kaya sana may charge pa ’yon at naka-on.
Naka-on ’yon.
Tinawagan ko ’yon buong araw kahapon at kaninang umaga
para marinig ’yong voicemail niya.
Nami-miss ko na siya.
Mr. Duffie, naiintindihan ko ’yon.
Pero kailangan mo nang itigil ’yon, sir.
Kada tawag mo do’n, bawas sa baterya ’yon.
Mas mahihirapan kaming mahanap ’yon. Naiintindihan mo?
Oo, naiintindihan ko.
Sana mahanap n’yo ’yong phone.
Kapag nahanap n’yo ang kausap niya, mahahanap n’yo ang naka-sex niya.
Malamang sa malamang, ’yon ang killer.
Salamat do’n, Mr. Duffie,
pero iwasan na lang nating magtamang hinala.
Kapag may babaeng pinatay o nawala,
asawa ang unang titingnan, pangalawa lang ang lalaki niya.
Alam kong di ako ang gumawa no’n.
Kailangan namin ang footage na ’yon, sir.
Pati na rin ang fingerprints, DNA swab, at damit mo no’ng naglakad ka ng aso.
Dito, Detective.
’Yang damit na ’yan?
Malinis ’to, sir.
Nilabhan at pinatuyo ko no’ng gabing ’yon.
- Nilabhan mo pati sapatos? - Maputik, e.
Gano’n? Inihanda mo na para sa ’min? Timing na timing, a?
Hindi ko naman alam na pinatay siya.
Sir, matanong ko lang,
ba’t kaya mas gusto ni Rachel kapag wala siyang pakialam sa ka-sex niya?
Ginamit mo ’yong “malayo ang loob”.
Pinakamasarap daw ang tapos niya kapag mas mataas siya sa ka-sex niya,
sa posisyon at sa buhay.
Baka nga sinabi niya ’yon sa ka-sex niya no’n,
at malamang habang nagtitirahan pa sila.
Pa’no mo nasabi ’yon?
Si Rachel,
kahit maraming kapuri-puri sa kanya,
may pagkamaldita din siya.
Tingin mo may kinalaman ’yon sa kamatayan niya?
Sinaksak nang 40 beses.
May ginalit siya.
- Pa’no mo nalaman ’yon, sir? - Nalaman ang ano?
Sabi mo sinaksak nang 40 beses ang misis mo. Pa’no mo nalaman ’yon?
Sinabi sa ’kin ni Anna Andrews.
- Siya ’yong dating WSK-TV— - Kilala ko siya.
Marami na raw siyang nakausap na deputy sa department n’yo.
Parang mas marami siyang alam kesa sa inyo, e.
- Kailan bumisita si Anna Andrews? - Kanina.
Walang-habas siyang kumatok ng 6:30 ng umaga.
Tapos ano? Gusto ka niyang mainterbyu?
Nakiusap siya. Tumanggi ako.
- Okay. - Pero...
Pero ano, Mr. Duffie?
Mapilit ang taong ’yon.
Mr. Duffie, sa interview na ’yon,
may tinanong ba siya na hindi namin tinanong sa ’yo?
Kung baka may sinabihan si Rachel kung sino ang kikitain niya.
Tama.
Sige. Ano’ng sinagot mo?
’Yong best friend niyang si Helen Wang, headmistress ng St. Hilary’s.
No comments yet. Be the first to leave one.