200 rreshtat e parë.
Mahal ko.
Huwag kang lumapit sa akin.
Maayos akong nakikiusap.
Sumama ka sa akin!
Huwag ka nang lumaban!
Hello?
Hello?
Natutulog ka ba?
Alas-siyete pa lang ng umaga, Ma.
Sige. Mamaya na ako tatawag.
Hindi, ayos lang. Kumusta?
Katatawag lang ni Tiya Shobha mo.
Ikakasal na si Abhishek.
Narinig mo ba ako?
Oo.
Ikakasal na ang pinsan mo. Ikaw na lang ang natitira.
Hay, nakakahiya naman.
'Di na ako dapat umalis ng America.
Bumalik lang dapat ako ng India kung nakahanap na ako ng mapapangasawa mo.
Ano?
Hayaan mo na ako, Ma. Ayos lang ako.
-Hindi ako isinumpa. -Paano mo nasasabi iyan?
-Malapit ka nang mag-29. -Oo, tumatanda na ako.
Alam mo ang sinasabi ng horoscope.
Kapag wala ka pang asawa ng 29, hindi ka na makakapag-asawa.
Hindi na makakapag-asawa? Nakakalungkot naman.
Sabihin mo kay Pallavi ang naiisip mo.
Ang astrolohiya ay kalokohan.
Mahal kita.
Papatayin n'yo ako sa sakit ng ulo.
Ang pag-aasawa ay hindi basta-bastang nangyayari.
Seryosohin mo ito, Pallu.
Kung hindi ka mag-iingat…
may masamang mangyayari.
Ma, bakit ganyan ka mag-isip?
Ma? Hello?
Nanay mo ako. Natural lang 'yon.
-Suot mo ba ang pulseras mo? -Oo, suot ko.
Mabuti. Poprotektahan ka nito laban sa masama.
Mabuti naman. Pwede na ba akong matulog ulit?
Sige. Pasensiya na. Magpahinga ka na.
-Sige. Usap tayo ulit. -Sige.
Ilayo mo ang anak ko sa MASAMANG MATA, para makapag-asawa siya.
MASAMANG MATA
Gulo ang hatid ng MASAMANG MATA, pero matatalo ito ng pag-ibig
Kapag ang MASAMANG MATA ay nakatingin sa iyo,
iwasan ito dahil PANGANIB ang hatid ntio.
Iligtas nawa siya ng pangontra laban sa MASAMANG MATA
-Magiging nanay ka na. -Parang nanay na nga ako.
Mahal na mahal ko ang batang ito. Gagawin ko ang lahat para sa kanya.
-May maitutulong ba ako, Malik? -Kaya ko na ito.
Mabuti naman, hindi kasi ako marunong gumawa ng chai.
MAMA
Parang narinig niya ang sinabi ko.
Gusto mo bang turuan kitang gumawa ng chai?
-Hi, Ma. -Hello, anak. Ano ang tugtog na iyan?
Hindi mo din maiintindihan.
Gusto ko iyan.
Tingnan mo.
Hello, Kelly. Napakaganda mo.
Salamat, Mrs. Khatri.
-Nasaan si Malik? -Gumagawa ng chai sa kusina.
Hi, Mrs. Khatri.
Mabait na bata. Si Pallavi hindi marunong gumawa ng tsaa.
Kumusta, Ma?
Pallu, gusto kong--
Hindi. Hindi ako makikipag-date.
Hindi iyon ang sasabihin ko.
Sige.
Bilang kausap na kita…
Tingnan mo. Ang gwapo niya, 'di ba?
Oo, propesyonal siyang tingnan.
Kita mo? Gusto din siya ni Kelly. Nakatira siya sa Houston,
pero papunta siya sa New Orleans, at pwede syang makipagkita sa iyo.
Teka, inayos mo na ito?
-Kailangan nating magmadali. -Hindi siya tagarito.
Ano'ng gagawin ko? Walang mga Indian sa New Orleans.
Ma. Napag-usapan na natin ito.
Ayoko na ng mga setup.
Hindi ko sinabing pakasalan mo siya. Lumabas lang kayo.
-Ano? -Kinakausap ko ang anak mo.
Ano'ng sinasabi niya?
Hinahanapan si Pallavi ng lalaking marunong gumawa ng chai.
Wala namang nangyayari sa mga ganyan.
Paano kung iba ngayon at tumanggi ka nang hindi sinusubukan?
Kumusta ang chai? Hindi ba masyadong mainit?
Sige.
Gagawin ko para sa iyo.
Ano naman daw itong isang ito?
Dati pa rin, inhinyero, umaakyat ng bundok,
mahilig sa musika.
Mahilig sa musika?
Okey.
Nandiyan ba siya?
Ano'ng hitsura?
Naku.
-Patay. -Ang guwapo.
Ano?
Hindi siya iyan.
Malay mo.
Sakyan mo na lang.
Malay mo naman.
Magkakahawig ang mga morenong lalaki. Tama?
Sige na.
NAKATINGIN SIYA SA AKIN NA-TRAPIK SI MR. HOUSTON
DOON KA NA KAY POGI! SABIHIN MO GUSTO MO NG…
Uy.
Uy.
Nagkita na ba tayo?
Wow. Gasgas na iyang linyang iyan.
Pasensiya na.
-May inaantay kang ka-setup, 'di ba? -Ano?
Kanina ka pa nakatingin sa bintana, parang may inaantay.
Kung regular na date ito, kanina ka pa umalis.
Siguro kailangan may maikwento ka sa mga magulang mo,
kaya hindi ka pa umaalis. Tama ba?
Nakakainis talaga ang mga setup, 'di ba?
-Oo. -Oo.
Pasensiya na, hindi ko…
-Ayos lang. -Pasensiya na.
Sige. Ingat ka.
Pero…
wala pa naman siya dito.
Oo nga.
-Sandeep. -Pallavi.
Ang gandang pangalan.
Salamat.
Paumanhin. May naghihintay bang babae dito?
Oo. Kakaalis lang niya.
Isang oras siyang late kaya umalis na ako.
Ganoon lang? Nasaan ka ngayon?
-Kasama si Sonia. -Nandyan lang si Sonia anumang oras.
Ano ka ba naman? Matinong lalaki siya, mula sa magandang pamilya.
Hindi ko naman siya gustong makita.
-Hindi na iyon mahalaga. -Paanong hindi na?
Ginagawa namin ito para sa kaligayahan mo,
sa kinabukasan mo.
Kapag sinabi ng kumander mong dapa, dumapa ka.
Ma, hindi ito militar. Hindi kita kumander.
Hindi ako magiging sunud-sunuran sa iyo.
Magtiwala ka sa akin.
Bakit hindi na lang--
Bakit hindi mo ako hayaang pumili?
Ma?
Hello?
Hello?
-Hello? -Ano iyon?
Syempre pwede kang pumili kung sino'ng gusto mo.
Ayaw ko lang na…
mahulog ka sa maling lalaki.
Gusto mong magtiwala ako sa iyo pero wala kang tiwala sa akin.
-Pallavi… -Mamaya na lang tayo mag-usap.
-Ayos ka lang? -Oo.
Grabe talaga ang nanay ko.
Pasensiya na.
Ito 'yung nagpunta kami sa isang kasal sa Edison.
Bago bumalik sa Delhi ang mga magulang ko.
May nakuhang trabaho sa unibersidad ang tatay ko
kaya minabuti nilang umuwi.
Mahirap sigurong malayo.
'Di ko rin masyadong nakikita ang mga magulang ko.
Teka, kailangan ko nang--
May pupuntahan ka pang isang setup?
Oo, malay mo, baka naghihintay pa rin siya.
Pwede ba tayong magkita ulit?
Siguro.
Sige, mauna ka na.
Isang buwan nang laging sumasakit ang ulo mo.
-Hayaan mo akong tulungan ka. -Nawawala naman ito kapag mag-isa ako.
-Sigurado ka? -Oo. Sige na, mawawala din ito.
Nag-aalala na ako.
Ano'ng sasabihin ko sa kanila?
Magdadala ako ng minatamis.
Nagkita sila sa Skype noong nakaraang buwan lang,
at ngayon magpapakasal na sila.
Hindi ko maintindihan. ang mga kabataan ngayon.
-Hindi pwede 'yan. -Ngayon lang, sige na.
Nasaan si Usha? Buong araw ko na siyang hinahanap.
Masama ang pakiramdam niya,
kaya sa susunod na lang siya bibisita.
Iniisip pa rin ba niya ang masamang mata?
-Oo. -Hindi isinumpa si Pallavi.
Kalokohan. Dalhin n'yo siya sa doktor, ha?
Doon sa doktor ko. Inirereseta niya ang lahat.
Magiging maayos din siya.
Sinabi nang bawal, isang plato pa kukunin mo.
Mamamatay din naman ako.
-Pagbigyan mo na ako, sige na. -Huwag kang makulit.
-Ngayon? -Mamamatay din naman ako, sige na.
Hello?
Hi, Ma. Ayos ka lang?
-Oo naman. -Ginising ba kita?
Hindi, nakahiga lang ako.
Engagement party ngayon ni Abhishek, 'di ba?
Naiinis ka ba kaya hindi ka pumunta?
Maiba tayo…
-May nakilala ako. -May nakilala ka?
Ano'ng ibig mong sabihin? May nobyo ka na?
May tatlo o apat na linggo na kaming lumalabas.
Gusto mo ba siya?
No comments yet. Be the first to leave one.