Release info

The Ribbon Hero 2026 JAPANESE NF WEB h264-EDITH
A Commentary by tedi
Retail NF | 1:51:08

Tags

webdl
Published on: 2026-08-08
Downloads: 0
Hearing Impaired: No

Tagalog subtitle preview

The first 200 lines.

Noong unang panahon,

isang kalamidad na Nergal ang umusbong sa Ashen Sea

At winasak nito ang lahat ng dinaraanan nito.

Kinakatakutan bilang Hari ng Abo,

paulit-ulit na hinamon ng mga mandirigma ang Nergal,

ngunit nasawi silang lahat.

Gaano na ba katagal

nang iwan ng tao ang laban?

Gayunpaman, ngayon mismo, isang mandirigma ang uusbong.

Prinsesa Sapphire!

Prinsesa Sapphire!

Prinsesa Sapphire!

Prinsesa Sapphire! Prinsesa Sapphire!

Ayos lang ba kayo?

Prinsesa Sapphire!

Ang braso n'yo!

Ayos lang ako, Zirco.

Ano 'to?

Namali ang lahat. Lahat.

Ina?

Ina! Papunta na 'ko!

Wag mong saktan ang sarili!

Natabunan ng mga bumagsak.

Ina!

Bubuksan ko ang pinto! Intay lang!

Sapphire,

di na kailangan.

Ano'ng sinasabi mo, Ina?!

Tatalunin ko ang Nergal!

Mas malakas ako!

Tutuldukan ko na ang gulong ito!

Lintik! Bumukas ka!

Poprotektahan ko kayo, Ina, at Ama,

at lahat ng nasa kahariang ito!

Bumukas ka!

Bumukas ka!

Bukas! Bukas!

Bukas!

Walang silbing labanan ang mundo.

Ba't di mo 'yon makita?!

Natalo na tayo…

Nang tuluyan.

Ano…?

Ina…

Bakit? Dito lang ako.

Lalabanan ko ang Nergal hanggang dulo!

Sapphire…

Wala kang magagawa.

Dapat mong tanggapin 'yon.

Nabubuhay lang ang mahina

sa pagtakas mula sa malakas.

Kahit na mawasak ang mundong ito,

gusto kong patuloy ka lang na mabuhay.

Hindi!

Hindi!

Ina!

Buksan mo ito!

-Buksan mo ang pinto, Ina! -Kamahalan…

Aalis na tayo!

Bitiw!

Bitiwan mo 'ko!

Bitaw!

Ang Nergal…

Prinsesa Sapphire!

Naku, basang-basa naman ako!

Ayan!

Ano'ng ginagawa mo, Zirco?

Nagluluto. Ng masarap.

Ng masarap?

Para lumakas ka ulit, Prinsesa Sapphire.

Wala akong gustong gawin.

Laging sinasabi sa 'kin ni Ina na wag maghanap ng gulo.

No offense sa reyna,

pero ito ang bago n'yong sandata, Prinsesa Sapphire.

Sandata ito para patuloy na mabuhay.

Magagamit ninyo para humablot, bumitbit, at kahit na hawakan ang isang tao.

Para patuloy na mabuhay, kailangan n'yong magtrabaho at kumain.

Ang mga daliri…

Ano?!

Walang silbing labanan ang mundo.

Ba't di mo makita 'yon?!

Anong ingay 'yon?

Prinsesa Sapphire!

Bakit?

Prinsesa Sapphire!

Masaya akong ligtas ka!

Zirco…

Puwes, sa lahat,

gabayan tayo ng Anghel ng Pag-asa.

Nawa'y gabayan tayo ng Anghel ng Pag-asa.

Heto.

Salamat.

Salamat.

Isang tinapay nga.

Heto po.

Posible kayang makatawad?

Mahina ang kita, at tipid ang badyet.

Kung gano'n…

Pagkain…

Pakiusap…

Teka… ano?

Ano'ng gagawin ko?

Ayos lang kayo?

Ang bango…

Ang bango!

Ang bango-bango…

50 gold bawat isa… so…

Walang… pera…

Okay…

Ano'ng gagawin ko?!

Tiyak na gutom na gutom sila.

Binigay mo sana ang tira

kaysa dalhin sila rito.

Pasensya na.

Akala ko, di ako pwedeng magdesisyon mag-isa.

Unang mainit na pagkain namin 'to sa matagal na panahon.

Salamat!

Walang anuman!

Ganito ba kahirap makakuha ng pagkain?

Pinalayas kami pitong taon na ang nakararaan.

Dahil walang mahanap na trabaho,

pagala-gala lang kami, kumakain ng tira-tira, panlaman-tiyan din.

Pamilyar na kuwento, pero… ang lungkot pa rin.

Matandang babae at babaeng anak niya lang. Hirap siguro no'n.

Wow, ang sarap talaga nito! Ano 'to?

Gintong Daga, pa-steak na may buto.

Lokal na specialty ng Ginintuang Lupain.

Gintong Daga na steak!

Gusto ko pa! Marami pa!

Sorry, pero di kita mabibigyan pa nang libre.

Hirap din kami.

Oo nga pala…

Siyempre naman.

Gagawin ko kahit ano. Magtatrabaho ako.

Di kami hiring.

May alam pa ba kayong lugar na hiring?

Kung tagalabas kayo na gustong kumita agad…

Puwes, lagi namang may minahan.

Di ko irerekomenda.

Tapos na 'kong umupo at maawa sa sarili.

Gagawin ko.

Dalhin mo 'ko ro'n.

Ano? Ngayon?!

Teka lang, pupunta ka'ng ganyan?

Pine, pagamitin mo sila ng CR.

Okay!

Ako si Sapphire. Nice to meet you!

Ako si Pine.

Ang cute ng pangalan!

Talaga…

Mula ako sa Pinilakang Lupain.

Pero oo…

Naging mahirap nga ang buhay.

Nauunawaan ko.

Pero masaya akong mabuti na ang pakiramdam mo.

Welcome sa Ginintuang Lupain!

Salamat.

Bagama't humupa ang kalamidad sa Pinilakang Lupain

at napigilan ang epekto nito,

naging aktibo na naman ang Hari ng Abo kamakailan.

Dahil dito, bumagal ang pagmimina.

Ano ang lagay

ng kristal na enerhiyang natuklasan noong isang araw?

Isinelyo na at iniimbestigahan ngayon.

Bantayan ang reaksyon ng Hari ng Abo.

Okay po.

Sa pagtaas ng presyo ng kristal,

humihina ang pananalapi ng ating bansa.

Di tumitigil ang kalakalang ilegal.

Noong isang araw, nanawagang pabagsakin

ng mga imigrante at minero ang Hari ng Abo

at nagkaroon ng gulo.

Umaksyon ka laban doon.

Sinasabi nilang ang Anghel ng Pag-asa ang makakatalo sa Hari ng Abo.

Mapanganib na ideya.

Ang mga magsisimula ng gulo

o maghahasik ng mapanganib na mga ideya ay agad ikukulong,

hahagupitin, at gagawing halimbawa.

Nauunawaan ko.

Di natin dapat suwayin ang Hari ng Abo.

Para makaligtas tayo, dapat nating tiisin ang sakit.

Nawa'y gabayan tayo ng Anghel ng Pag-asa.

Nawa'y gabayan tayo ng Anghel ng Pag-asa.

Nakapagpalista ako.

Salamat.

Puwes, good luck bukas!

Oo nga!

May gusto akong tingnan,

kaya mauna na kayo.

Teka, ano 'yon?

Kita na lang tayo!

Hoy, di 'yon patas, Zirco!

Teka… Alam ko! May mas interesante banda roon!

Ha?

-Tara? -Sige!

Ina!

Mukhang may una na 'kong kaibigan!

Bakit?

Ha?! Hindi, hindi, wala 'yon…

Sige lang, bakit ba?

Comments

No comments yet. Be the first to leave one.

Keep it about this subtitle — sync, quality, typos.500 characters left