The first 200 lines.
Nagpakalat na ang gobyerno ng Mexico ng Army at Navy sa buong bansa
para pigilan ang lumalalang karahasan.
Ilan lang ito sa mga krimeng ikinakabit kay Iván Gastélum,
alias El Cholo.
…isang dagok sa kartel,
sa pagkakaaresto sa isa sa pinakamalapit na tauhan ni El Chapo.
Ngayong umaga, nagbigay-pugay sa mga pulis
na namatay sa kanilang tungkulin.
WELCOME TO CULIACÁN
Isa na namang malaking sagupaan
sa pagitan ng Federal Police at ng Sinaloa Cartel.
BASE SA ISANG ARTIKULO NI HÉCTOR DE MAULEÓN
Kamay sa counter! Wag kang gumawa ng kalokohan!
FACING EL CHAPO
BASE SA TOTOONG PANGYAYARI
ENERO 6, 2016
Tigil!
Elízabeth! Elízabeth! Magbibilang ako hanggang tatlo, nasa dalawa na ako.
Tama na, okay?
-Eto, mahal. Plantsado 'to. Kape mo. -Salamat. Ayos.
Ba't di mo sila bilhan ng mas akmang laruan?
-Gaya ng Barney o Barbie. -Wala akong binili, lalo 'yan.
Galing 'to kay Carlitos, Pa.
Carlitos, Carlos… Buwisit. Hoy!
Tama na. Tumigil ka at umupo ka.
-Umupo ka na! -Elízabeth.
-Kumain ka ng itlog at beans. -Pa, kailan ka bibili ng computer?
Tatahimik na kami pag may computer, gaya ng sabi ni Mama.
Naku po.
Gusto mo ba o ako na?
Matalino talaga si Joana.
Ano'ng sabi ko? Bibilhan kayo ng computer ng papa n'yo pag kaya.
May tanong ako sa inyo. Deserve n'yo ba ang computer?
Inaasar mo ang kapatid mo, at ikaw, ngayon gumagawa ng homework?
-Hindi. -Opo!
Anong "opo"?
Hindi.
Papa, pero mataas ang grades ko!
-Taasan mo pa. Tapos tingnan natin. -Hi! Pwedeng pumasok?
Pasok. Ano'ng gusto mo? Kape?
Hindi na. Male-late na kami.
Sige, mga anak. Dahil sa kakulitan n'yo, di na kayo nakapag-almusal.
-Mama! -Sayang.
-Magpakabait kayo. -Enjoy!
Tara na! Bilisan n'yo!
Sorry, anak. Basbas mo.
-Virtual basbas! Alis na kami, bye. -Sige.
-Salamat, girl! Bye! -Bye.
Uy, parang paputok si Liz.
Mag-ingat tayo sa kanya. Palaban siya.
Oo nga.
-Umupo ka, mahal. Mag-almusal tayo. -Di ako gutom.
Ano'ng problema?
Pangit ang pakiramdam ko nitong mga nakaraan.
Ano'ng problema? May…
May sakit ka? Sakit sa ulo? Sakit sa tiyan? Ano'ng meron?
Buntis ako.
Buntis ako, Arturo.
-Nagbibiro ka ba? -Bakit kita bibiruin tungkol doon?
Isa pang babae.
O lalaki.
Naku!
Pero nag-iingat ka, di ba?
Oo, nag-iingat ako.
Hindi ko na natandaan 'yong araw. Nagkamali ako.
Nag-compute ako, kakayanin naman 'yon ng suweldo ko.
Binabayaran natin ang bahay.
Binabayaran natin ang kotse. Binabayaran natin lahat para sa mga bata.
Lubog na tayo sa utang, mahal!
Ibig kong sabihin…
Kung masyadong magulo, wag na.
Di 'yon ang punto. Gagawin natin 'yan nang magkasama. Itutuloy natin 'yan.
-Magpapa-night shift ako kay Valladares. -Wag night shift.
-Delikado 'yon, Arturo. -E, ano'ng gagawin ko?
Mahirap ang night shift. Kailangan kong masanay.
Pero hindi ka masasanay sa gutom.
Mas gusto kong maghirap kesa mabalo.
Mahal…
Hepe, pwede kang maistorbo?
Pasok, Carmona.
Ano 'yon?
Itatanong ko kung pwede akong lumipat sa night shift.
Hindi. Kailangan kita sa day shift.
Kasi
mas malaki ang bonus at kita sa night shift, at…
magiging tatay na ulit ako.
Sa dami ng gastos… Alam mo na.
Anak ulit?
Oo.
Kumusta, girl?
Nakuha ko na 'yong mga damit sa bahay ni Vicky.
Okay ka lang?
Oo, okay lang.
Kung gusto mo, itatago ko muna hanggang masabi mo sa asawa mo.
Hindi, sinabi ko na.
Ano'ng sabi niya?
Sa huli, sabi niya, ayos lang daw.
Gusto niyang mag-night shift.
Kahit delikado ngayon.
FEDERAL POLICE
Carmona.
Po, Hepe.
May na-assign sa 'kin na bagong lipat mula Arteaga.
-Mula Nuevo León? -Michoacán.
-Magulo roon, di ba? -Alam mo 'yon.
Rosales ang apelyido niya. Nilagay ko siya sa night shift,
at di ko alam kung saang patrol car siya ilalagay.
Saktong-sakto.
Mukhang suwerte ang batang 'yon.
Sana nga.
Bantayan mo siya.
Mag-ingat ka. Di natin alam kung ano'ng dala niya.
-Siyempre. Magbabantay kami. -Sige.
Sige, magtrabaho ka na. May double shift ka ngayon.
-Salamat! -Okay.
Walang ibang halo o purong kape?
Purong kape.
-Purong kape? -Oo.
-Eto na. -Salamat.
Bye.
-Sandra! -Andrea.
Andrea!
Uy, sige na. Bye.
Maraming kape ang kailangan para makaraos sa shift na 'to.
Kaya dapat masarap at matapang.
Di ba taga-Michoacán ka?
Kalma. Pina-practice ko 'yong punto ko.
Matapang 'to para sa 'yo?
Sisimulan natin ang shift.
Well, welcome sa Mochis.
Tara na!
FEDERAL POLICE
Nakita mo 'yon?
-Mga Municipal Police. -Pag nanggulo sila, babanatan niya sila.
Hindi, tingin ko, kontrolado niya.
Wag…
Buwisit!
Magandang gabi.
Magandang gabi.
-Okay lang kayo? -Okay lang, Officer.
Itayo n'yo sila. Dalhin n'yo, tara! Dalhin!
-Magandang gabi. Kailangan n'yo ng backup? -Hindi, okay lang. Kontrolado namin lahat.
Tara na.
Excuse me.
Bilisan n'yo.
Tara na.
Tayo!
Kunwari ka pang di mo alam, gago.
Hindi mo nga alam, gago.
Putang ina.
Siguro ni-record mo lahat ng nakumpiska.
Kalma, Officer.
Hoy!
Anong "hoy"?
Wag mo akong sigawan.
Ang daming coke niyan.
Kung gusto mo, sasamahan ka namin sa opisina ng DA.
Ire-report ko sa superiors ko ang pagkumpiska. Ano'ng tingin mo?
Okay, Officer.
Tara sa Ahome.
Tara na!
Uy!
Magandang gabi.
Okay ka lang?
Okay lang kami.
Abante.
Susunod kami.
Umalis na tayo! Tara na, peste!
Central.
Carmona…
Nakialam ka sa gawain ng opisyal na 'yon.
Bye. Salamat, Erick.
…ngayong gabi, ano sa tingin mo?
Magkita tayo sa Motel del Puerto.
At hoy, wag mong hubarin ang uniporme mo.
Eto na.
-Ito na 'yong masarap na kape mo? -Pinakamasarap sa Mochis.
Uy, Rosales.
Ano'ng nangyari sa mga tulisan?
-Ano'ng ibig mong sabihin? -Ano'ng pinakita mo sa kanila sa phone mo?
Medyo kakaiba 'yong diskarte mo.
Pambihira.
Ipapaliwanag ko pa sa 'yo kung paano ako magtrabaho.
Ano'ng problema mo?
Wala akong problema.
Tarantado.
Arturo?
Good morning, mahal!
-Good morning. -Hi, sweetheart.
Kumusta? Gusto mo ng almusal?
Mas pagod ako kesa gutom.
-Pero ikaw ang bahala. -May machaca.
Paano kang di mapapagod sa dalawang shift?
Ang ganda. Sino'ng gumawa nito?
-Si Joana. Ang artist. -Ang ganda.
Eto, mahal, juice.
Sige.
Okay, sabihin mo.
Kumusta 'yong bago mong partner? Nagustuhan mo siya?
Di ko pa siya mabasa.
No comments yet. Be the first to leave one.