لومړۍ 200 کرښې.
Noong unang panahon,
may isang makalumang kaharian na gapos ng tradisyon.
Dito, may ginagampanan ang lahat, at hindi sila nagrereklamo.
Wala silang kaalam-alam
na ang kanilang mundo ay malapit nang magbago.
Pero hanggang mangyari iyon...
Ang nayong ito ng masisipag na mamamayan
ay paulit-ulit ang kinikilos araw-araw,
sa bawat henerasyon!
At dito nagsisimula ang kwento natin.
Sa payak na tahanan ng isang praktikal na babae, si Vivian,
na mag-isang muli, matapos mamatay ang kanyang ikalawang asawa.
Ang mga anak na babae ni Vivian, ang nakakainis na si Malvolia,
at ang makasariling si Narissa.
Baliw siya.
Okey.
Ayos.
Pasaway sila.
Panalo ako.
At dito, sa maruming basement,
ang anak ng ikalawang asawa, si Ella.
O Cinderella, ayon sa mga kinakapatid niya,
dahil palaging may abo o cinder ang balat niya,
at hindi matatalino ang mga kinakapatid niya.
Sa ngayon, pinapangarap niya
ang isang mundo kung saan magagawa niya ang gusto niya.
Mag-ingat ka. Magugulungan mo...
ang mga aspili.
-Ang galing! -Perpekto!
Walang-wala ang mga ibon!
Magandang umaga, mga kaibigan kong bubwit.
Gutom ba kayo?
-Oo. -Tumango kayo.
-Pag-igik lang ang naririnig niya. -Kainan na.
'Di po ba masarap, inay?
Kawawa ang asawa mo kapag ipinagtimpla mo ng ganito.
Gaano kaya siya tatagal bago ka iwanan?
Bago matantong wala kang kwenta?
Matuto ka rito, at 'wag na itong uulitin.
Masyado siyang mahigpit sa kanya.
-Dapat mas mahigpit pa nga siya. -Tahimik.
Cinderella, ngayong ulila ka na, mahalagang maunawaan mo,
na ang pagmamahal ko lang sa tatay mo
ang pumipigil sa akin na palayasin ka.
Opo. Kaya talagang nagpapasalamat ako...
Napakaganda mo sana...
kung magsusuklay ka nang kaunti.
Narito ka pala. Magandang umaga, Ella.
G. Cecil.
Si G. Cecil po.
Naisip ko lang. Kailangan mo talaga ng tungkod?
Gusto kasi ito ng mga babae.
-Vivian. -Thomas.
At ang lahat ng babae. Sinuswerte ako.
Heto. Kakukuha lang mula sa taniman.
Mga parsnip, singkamas, rutabaga,
ang pinakamagagandang ani.
-Gusto mo bang pumasok? -Oo... Hindi.
Hindi ngayon. Gusto ko lang kayong kumustahin
at tiyakin na ang magaganda mong anak...
ay maayos.
-Kinikilabutan ako. -Ako rin.
Kinikilig ako.
Sige. Dahil nakita ko na kayo,
maganda na ang araw ko, kaya mauuna na ako.
Sige.
Kinasihan ng suwerte ang bahay na ito.
-May manliligaw na ang mga anak ko. -Mayroon na ang anak mong ito.
Sakit sa damdamin at pagseselos ang sa iba.
Sige lang. Hindi ako bagay kay Thomas.
Dapat mag-ayos ka para may bumagay sa iyo.
Opo.
Nauunawaan ko, inay.
-Narito na siya. -Ang bigat ng paa niya.
Natulog ako sa telang iyon.
Maganda.
MGA DAMIT NI ELLA
MGA DAMIT NI ELLA
Diyos ko.
Nakakadiri iyon.
Salamat sa pagpunta...
Bago maputulan ng kamay ang aide-de-camp mo,
narito ang tinatawag na mapa ng mundo.
Tingnan mo ang hugis na narito at narito.
Kapag kinasal tayo, magsasama ang mga hugis...
ANG MUNDO
...at sa atin na ang mundo hanggang sa malaking halimaw na ito.
Halimaw?
Alam mo, wala akong oras
para mamahala sa napakalalayong lupain. Sobrang abala kasi ako.
Abala saan?
Tatlong araw kang nagpakalasing at nangaso.
Mahirap iyon. Subukan mo kayang mangaso nang lasing.
-Imposible iyon. -Hindi!
Aba!
Huwag mo akong saktan, mahal na prinsipe! Huwag po!
Pangako ko, aking panginoon,
pwede kang magpakasaya kasama ng mga tropa mo,
at iba naman ang gagawin ko.
Pwedeng hindi tayo magsama.
Maliban sa mahahalagang araw, pagpaplano ng mga giyera, at kapag dapat
na tayong gumawa ng isang anak na lalaki.
Ano?
Interesante ang alok mo,
pero wala pa akong balak magpakasal.
Nauunawaan ko.
Maliit ang utak niya.
'Di ako magugulat kung maliit din ang ano niya.
Alam niya ang sinasabi ko.
Mapula na ba? Napakasakit.
Mga binibini, handa na ba tayo?
Ano'ng ginagawa ninyo?
Pinapapula ang pisngi niya.
Magandang ideya.
-Nasaan si Cinderella? -Nasa basement.
Cinderella?
Sa tingin ko, 'di niya tayo gusto.
Cinderella! Pwede ninyo akong tulungan?
-Cinderella! -Cinderella!
-Cinderella! -Cinderella!
Cinderella!
Tinawag n'yo ako?
Oo, anak. Huwag kang bingi.
Pasensya po. Kasi...
Magdadahilan ka?
Wala akong pakialam.
Kunin mo ang gamit mo. Mahuhuli kami dahil sa'yo.
Walang hinihintay ang Pagpapalit ng mga Guwardya.
Cinderella?
Ano iyon?
Sa tingin mo, maganda ako?
Sa tingin ko, napakaganda mo.
Pero, sa totoo lang,
ano kung ano'ng tingin ko?
Ang tingin ng iba?
Ang mahalaga, kung ano ang nadarama mo kapag nananalamin ka.
Ang lalim.
Ano bang nadarama mo para sa sarili mo?
Oo. Maganda ako.
Astig.
May dumi ka sa mukha.
Tara na, mga anak, mahuhuli na tayo.
Ano iyan?
Damit po ito.
Ako ang gumawa.
-Bakit? -Wala lang.
Naisip ko lang, dahil naroon
ang buong kaharian ngayon, baka makahanap ako ng bibili nito.
Kung iniisip mo
na makakapagnegosyo ka, nababaliw ka na.
Hindi mo ipapahiya ang pamilyang ito dahil sa kalapastanganan mo.
'Wag kang magpapakita sa akin na gumagawa ng ganitong kalokohan.
Ibaba mo ang damit.
Opo, inay.
Mabuti. Ngayon,
tumayo nang tuwid.
'Wag kang yumukod.
At ngumiti ka.
Mas mataas ang halaga ng babaeng nakangiti.
Ano'ng ginagawa mo?
Nagagalit.
Okey.
Tinanggihan mo ang anak ni Panginoong Reginald?
-Hindi siya ang para sa akin. -Siya na dapat!
Makokontrol ko na sana ang lahat ng teritoryo
hanggang sa sakop ng halimaw ng dagat.
Ang halimaw dapat ang pinakasalan mo.
Palalakihan ko ang singsing ni lola.
Kapag pinagbibigyan mo ang asal niya, hindi siya magbabago.
Tumigil ka. Magiging mahusay siyang hari.
Ako lang ba,
o mas mataas nang kaunti ang trono mo ngayon kaysa kahapon?
-Para bang... -Huwag ka ngang hangal.
At kung ganoon nga, karapatan kong mas pataasin ito.
Ako ang hari.
Oo.
At hangal ako.
Kung kailangan mo ako, nasa kwarto lang ako,
nagsusuklay hanggang makalbo.
Ayos na tayo? May gagawin kasi ako.
Kahihiyan ang ibinibigay mo sa pamilyang ito, Robert.
Nakita mo ba ito?
"Mula sa Roundabout Players, Ang Tangang Anak ng Hari."
-Makakakuha ka kaya ng mga ticket? -Pinagtatawanan ako.
Sa akin, OA ka lang.
Bakit 'di mo itanong sa Roundabout Players kung OA ako?
Nakabartolina sila ngayon sa ilalim ng palasyo
Hindi mo sila pwedeng pigilang magtanghal.
-Mamamatay sila! -Kapag nagpakasal ka, mas aayos ka.
Titigil ka na sa pagiging tangang anak ko,
at seseryosohin ng mga tao ang korona.
'Di mo ako makokontrol.
Kaya ko. Iyan ang maganda kapag hari.
Wala akong nadarama sa mga babaeng ito, kaya 'di ko sila mamahalin.
Ang kasal ng mga hari ay para sa kapangyarihan.
Buti na lang ay may tatlong palasyo at 100 kabayo si nanay.
-Kung wala, hindi ako ipinanganak. -Tahimik!
'Wag magsalita kapag 'di mo nauunawaan.
Magpatuloy ka lang sa pagsuway sa akin, kahit pang-aasar lang,
ibibigay ko ang lahat,
No comments yet. Be the first to leave one.