200 baris pertama.
INIHAHANDOG NG NETFLIX AT SKYDANCE
TOTOO ANG TIME TRAVEL.
HINDI MO PA LANG ALAM.
Hindi maganda iyan.
Anong ginagawa mo, Captain?
Parang halata naman. Ninanakaw ko ang jet na 'to.
Halata naman kung anong sinusubukan mo.
Mata-track ko ang jump mo.
Alam mong alam ko iyon.
May isa sa ating hindi alam, tama?
Ma'am, nagsimula siya ng wormhole sequence.
Adam, makinig ka nang mabuti.
Kapag di ka nag-abort ngayon, itatapon kita sa lab--
Pasensya na sa pagputol sa tiyak akong nakakatakot mong banta,
pero kung tama ako, ang tracking system mo ay…
…magka-crash na.
Ayos! Mamamatay na tayo!
Adam!
Papatayin kita!
Reed!
Naku, pasensya na.
Kasalanan ko. Hi.
-Hindi. -Sige. Ba-bye!
Reed! Bumalik ka rito.
-May sasabihin ka pa? -Ang totoo, mag--
Ha? Wala ka nang biro?
-Sasaya ako rito. -Ganyan ka talaga magsalita?
Nag-order ka ba ng "Bully Starter Kit" sa Amazon?
Naririnig mo ba ang sarili mo? Chuck, pinag-usapan na natin 'to.
-Wala akong sinabi. -Manahimik ka, Chuck.
Iyan ang sinasabi ko.
Magkakaroon ng assembly sa gymnasium. Mangyaring magtungo…
Tahimik ka lang.
-Gng. Reed. -Nakita n'yo ang mukha?
At, ano, isu-suspend n'yo si Adam? Dahil ano?
Tingin n'yo, siya ang nang-away sa Ray na iyon?
Si Ray Dollarhyde na naman?
Wala pang isang taon nang mawala ang tatay niya.
Magpakita naman kayo ng awa.
Hindi ko kasalanan 'yon.
Kilala kita. Kilala ko 'yang bunganga mo. Alam ko kung bakit ka nasuntok.
Binabastos niya ako sa klase. Hindi ko na masikmura.
Doble laki niya sa 'yo.
Lahat, mas malaki sa 'kin. May mga baby ngang mas malaki sa 'kin.
-Hindi kita maintindihan. -Si Papa, kaya niya.
Anong problema, honey? Pwedeng sabihin mo na lang?
Kung lagi akong aalis sa trabaho tuwing hapon,
masisisante ako. Tatlong beses ka nang nasuspende sa pakikipag-away.
Mas magaling na dapat ako roon ngayon.
Malalagay 'to sa permanent record mo. Kuha mo? Naiisip mo ba ang hinaharap mo?
Ha? Anak, dapat isipin mo na 'yon dahil parating na ang hinaharap,
nang mas malapit pa sa akala mo.
Uy, Adam.
Adam, aalis ako.
Halika, maghapunan ka na.
Saan ka pupunta?
Maghahapunan lang kasama ng kaibigan.
Sinong kaibigan?
-Si Derek. Katrabaho ko. -Makikipag-date ka.
Hindi 'yon date. Parang di naman 'yon date.
Date ang sinasabi ng bestida mo.
Date nga iyon. Makikipag-date ako. Bakit ako makikipag-date?
Pwedeng tama na sa "date"? Salamat.
Adam, patawad. Dapat pinag-usapan natin 'to.
Ewan ko kung paano. Pag-usapan na natin ngayon.
-Ayoko. -Hindi! Ayos lang kung ano maramdaman mo.
Normal lang 'yon, basta magkasundo tayo.
Aalis na ako.
Nag-text siya sa akin?
Tingnan mo iyan.
Bagong mundo. Pero pag-uusapin natin 'to ngayon.
Ma, teka.
Ano?
Tumalikod ka.
-Pumili ka nang mabuti, ha? -Sabi ng nasuspendeng bata.
Mahal kita, anak.
Mahal din kita, Ma. Higit pa sa alam ko.
Habang wala ako, i-lock mo ang likod.
Wag magbubukas ng oven, ng pinto, at bawal mag-video game.
Hawking?
Ano iyon? May nakikita ka?
Hawking, tigil! Hawking!
Hawking!
Diyos ko. Tinakot mo ako.
Sino iyan?
Parang di tayo dapat nandito.
Ayos lang tayo.
Hawking!
Kalma.
O pwede kang bumagsak at sumigaw.
-Ibaba mo 'yan. -Sino ka?
Ibaba mo iyan. Hindi kita sasaktan, pangako.
-Anong ginagawa mo rito? -Nauubusan ng dugo.
Teka, ilang taon ka na?
-Ano? -Ilang taon ka na?
-Labingdalawa. -Labingdalawa.
Lintik!
-Paano ka nakapasok sa garahe ni Papa? -Bu… bukas kasi.
Hindi. At flight suit iyan. Piloto ka ba?
Oo. Makinig ka sa 'kin.
Uy, wag kang tatawag ng iba. Ibaba mo iyan. Di kita sasaktan.
Sinabi mo na iyan.
Oo, siyempre-- Nalintikan na!
-Kailangang ulitin. -Ang daming dugo niyan.
Marami pa ako sa katawan. Nasaan ang nanay mo?
Nakikipag-date.
Kasama nino?
-Ano? -Kasama nino? Anong pangalan?
-Ewan ko. Derek? -Derek?
Derek. Ah, oo, 'yong lalaking may palong sa bibig.
-Palong sa bibig? -Oo.
Di balbas ang sabihin mo.
-Oo, wala siyang kuwenta. -Lahat naman sila.
Ang gandang aso.
Papasok ako sa loob ng bahay.
May kukunin ako.
Uy, ingat ka riyan.
At dito ka lang.
Ano ba?
Sabi nang doon ka sa garahe.
At pabayaan ang kung sino na magliwaliw sa bahay ko?
Hindi pwede.
Oo, maniwala ka. Gaya mo, ayaw ko ring nandito ako.
Papatigilin ko lang ang pagdugo.
Gagamutin ko lang ang sugat ko, iiwas sa impeksyon,
at lalayas na ako rito.
Wag mong hawakan 'yan.
-Tinitingnan ko lang. -Wag kang mangialam.
-Lightsaber ba 'to? -Hindi.
Sige.
Hindi. Tama na 'yang kakahawak mo niyan.
Kung sasaktan kita, kanina ko pa ginawa.
Kung magpapakatotoo ako, kasuntok-suntok ang mukha mo.
-Naku-- -Diyos ko! Tuma--
-Tumagos ang bala. Mabuti. -Teka. Bala? Binaril ka?
Oo, hindi, parang ganoon.
Hindi, sinaksak ako ng bala. Anong iniisip mo, tanga ka ba?
-Tanga? Ikaw nga ang nabaril. -Sige, tama na.
'Yong-- Wow…
Kakaiba iyon. Umuutot kapag umuubo ako.
-Kadiri. -Sobra.
Aakyat ako, kukuha lang ako ng gamit. Kumalma ka. Mapagkakatiwalaan ako.
Madali lang para sa 'yo. Ako ang mauuwi sa opisina ng therapist,
habang kinukuwento kung saan ako hinipuan ng mama.
Diyos ko! Nakarating ka na roon? Agad-agad? Ang sama mo mag-isip, bata.
Sino ka ba?
Klasipikado iyon.
Bakit ka nandito?
-Klasipikado rin. -Nasa Air Force ka ba?
Pag sinabi kong "klasipikado," anong naririnig mo? Tsokolate?
-Bakit ka may lightsaber? -Hindi iyon lightsaber.
Diyos ko, Adam. Kailangan mong kumalma.
Alam kong hindi ka ganoon. Noon pa man--
Teka! Paano mo ako kilala?
Ikaw si Adam Reed. Ipinanganak noong Pebrero 10, 2010.
Si Ellie at Louis Reed ang magulang mo. Isang taon pa lang wala si Louis.
Wala kang isports dahil hinihika ka.
Napakabansot mo para sa dose anyos.
Nag-aaral ka sa Franklin Middle School,
kung saan ka nasuspende nang ilang beses dahil sa away,
na kakatwa kasi di mo kayang lumaban para iligtas ang sarili mo.
-Hawking! Tahimik! -Hawking! Tahimik!
Paano mo kilala ang aso ko?
Kasi ako ang nagpangalan sa kanya.
Saan ka pupunta?
Diyos ko.
Sige.
Heto, handa ka na? Hingang malalim.
Lunukin mo.
Isa, dalawa, tatlo.
Madali lang, di ba?
Noong pitong gulang ako,
napatid ako sa mesa sa bakuran.
Dose ang naging tahi ko.
-Dito. -Dito.
Alam mo kung paano pumasok sa garahe ni Papa.
Alam mo kung paano isara ang ref.
Alam mong orasan ang paghinga ko.
Pareho ang peklat natin.
At suot mo ang relo ni Papa.
Ang relong 'to.
Ang relong 'to.
Ako ikaw.
Anak ng--
Klasipikado iyan. Pero, oo…
Dati, ikaw ako.
Di ako makapaniwalang ikaw ako sa hinaharap.
Ang bilis mong tinanggap. Nakakabahala, sa totoo lang.
-Bakit ka nandito? -Rescue mission.
Hindi ako dito dapat bumagsak. Dapat sa 2018.
-Kailangan kong pumunta roon agad. -Sinong isasalba mo sa 2018?
Seryoso ka?
Sige. Paano ka na lang nakarating dito?
Ipapakita ko sa 'yo.
Ano iyan?
-Basura. -Ano?
Dadako tayo sa plan A, kung saan ka papasok.
Gaya ng ibang tech sa hinaharap, ang time jets
ay naka-code sa DNA ng user.
Dahil injured ako, hindi ako paliliparin ng jet,
No comments yet. Be the first to leave one.